Sarado na ang kampanyang ito.



Philippines: Tigilan ang Atake sa mga Tagapagtaguyod ng Karapatan sa Paggawa

Sa pakikipagkaisa sa Kilusang Mayo Uno (May First Movement - KMU), Asia Pacific Forum on Women, Law and Development (APWLD), at ng Center for Trade Union and Human Rights (CTUHR).

Kami ay nananawagan para sa isang pandaigdigang pagkakaisa upang bigyang pansin ang walang hupang pag-atake sa mga tagapagtaguyod ng karapatan sa paggawa sa Pilipinas at iba pang mga bansa sa Asya Pasipiko. Noong Oktubre 10, 2022, dalawang aktibista sa kilusang paggawa, sina Kara Taggaoa at Larry Valbuena, ang inaresto sa gawa-gawang kaso ng direct assault, nang walang warrant of arrest, sa Quezon City Regional Trial Court. Ang dalawa ay nakalaya ngayong araw matapos magpiyansa. Sina Kara at Larry ay ilan lamang sa daan-daang tagapagtaguyod ng karapatan sa paggawa, manggagawa, at unyonista na nakaranas ng iba't-ibang anyo ng pagbabanta at harasment dahil sa kanilang pakikibaka para sa karapatang pantao. Walang pakundangan ang naging mga pag-atake sa mga aktibista mula nang magdeklara ng giyera laban sa aktibismo ang dating Pangulong Rodrigo Duterte, na nagpalaganap ng kultura ng karahasan laban sa mga aktibista sa porma ng red-tagging. Ang mga atakeng ito ay nagbabadyang magpatuloy, kung hindi man labis pang lulubha, sa ilalim ng bagong pangulong Ferdinand Marcos, anak ng diktador na pangunahing lumabag sa karapatang pantao ng mamamayan na si Ferdinand Marcos Sr.




Ipapadala ang mensahe mo sa mga sumusunod na email addresses:
osec@dole.gov.ph, oedchr@gmail.com, hrc-sr-freeassembly@un.org, hrc-sr-defenders@un.org, castroa@ilo.org, manila@ilo.org, misun2@apwld.org