Sarado na ang kampanyang ito.



Pilipinas: Mga manggagawa ng Holcim humihiling ng hustisya

In partnership with Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa.

Sa loob ng maraming taon, ang mga kontraktwal na manggagawa sa Holcim cement plant sa Davao ay humihiling ng regular na trabaho, alinsunod sa batas ng Pilipinas. Noong nakaraang taon, nag-file sila ng reklamo sa Department of Labor and Employment, subalit noong Marso, 140 kontratang manggagawa ay ni-lay off, habang ang mga manggagawa ng hindi unyon ay inalok ng mga bagong kontrata sa trabaho. Simula noon ang mga manggagawa ay nag-picket sa pabrika, ngunit noong Mayo ay nalaman nila na ang may-ari ng planta - multinational cement giant na LafargeHolcim - ay nagpaplanong ibenta ang pabrika sa bantog na anti-union Filipino conglomerate na San Miguel. Noong May Day ang linya ng piket ng manggagawa ay marahas na sinalakay ng mga mandaraya, at kumbinsido ang unyon na ang Holcim ang responsable sa pag-atake. Kinakailangan ng mga manggagawang ito ang katarungan, hindi ang karahasan at panunupil.

Tingnan ang video dito




Ipapadala ang mensahe mo sa mga sumusunod na email addresses:
feliciano.gonzalez@lafargeholcim.com, john.stull@lafargeholcim.com, justiceforholcimdavaoworkers@gmail.com