Sarado na ang kampanyang ito.



Iran: Palayain si Mohammed Habibi

In partnership with the Education International, a global union federation of 396 associations and unions in 171 countries and territories, representing some 32.5 million educators and support professionals.

Ang unyonistang guro ng Iran na si Mohammed Habibi ay sinentensiyahan na mabilanggo ng sampu at kalahating taon noong Agosto 4, 2018. Kasama rin sa sintensiya ng Iranian Islamic Revolutionary Court ang pagbabawal ng mga aktibidad na panlipunan at pampulitika sa loob ng dalawang taon, isang travel ban ng dalawang taon, at 74 na hagupit. Isang miyembro ng Iranian Teachers' Trade Association of Tehran, si Habibi ay isa sa maraming mga independyenteng kasapi ng unyon ng manggagawa na hinaras ng mga pampublikong awtoridad ng Iran dahil sa pagpupursigi ng kanilang mga lehitimong gawain. Siya ay naaresto noong Mayo sa isang tahimik na protesta at mula noon ay na-detensyon sa ilalim ng malupit na mga kalagayan. Ang mga miyembro ng pamilya na bumisita sa kanya sa bilangguan ay nag-ulat na labis na siyang minamaltrato. Ang mga pampublikong awtoridad ay patuloy na ipinagkakaila ang madaliang suportang medikal na kailangan niya. Kailangan namin ang iyong kagyat na suporta upang tumawag sa mga awtoridad ng Iran para sa agaran at walang pasubaling pagpapalaya kay Habibi.




Ipapadala ang mensahe mo sa mga sumusunod na email addresses:
media@rouhani.ir, iran@un.int, secretariat@iranembassy.be, rights@ei-ie.org