Sarado na ang kampanyang ito.
Russia: Union-busting sa Moscow Institute of Physics and Technology
 |
In partnership with UNISOL and the Confederation of Labour of Russia - KTR. |
Ang Union of the Higher Education Personnel Teaching / University Solidarity (UNISOL) ay nakikipaglaban para sa mga karapatan ng mga guro sa Moscow Institute of Physics and Technology (MIPT) sa loob ng ilang taon. Sa ilalim ng presyur ng unyon, ang mga suweldo ay lumaki nang husto mula sa kani-kanilang mga antas na kahabag-habag. Ang unyon ay hinadlangan ang sobrang pagdami ng mga tungkulin sa pagtuturo ng mga propesor at nakipaglaban din sa inisyatiba ng rektor upang wakasan ang halalan ng mga departamento at mga gurong namumuno, isang karapatan na ibinigay ng Labor Code of Russia.
Ang pagtutol ng unyon sa huling pagtatangka na paghigpitan ang demokratikong pamamahala sa paaralan ang siyang nagpagalit sa rektor, na nagpasya na tanggalin ang lider ng unyon, na si Maxim Balashov, propesor ng matematika at tagapangulo ng unyon ng manggagawa. Ang pamamaraan para sa pagpuno sa post ng propesor ng mas mataas na matematika, isang posisyon na inookupahan ng limang taon ni Prof. Balashov (na nagtrabaho sa MIPT sa loob ng 19 taon sa iba't ibang mga kapasidad) at maari lang mabago sa pamamagitan ng isang pormal na mapagkumpitensyang pamamaraan, naganap sa gitna ng malaking paglabag sa iba't ibang mga batas at regulasyon, huwag nang banggitin ang tungkol sa common decency. Sa sesyon na iyon, ang administrasyon ay lantaran na nagpahayag ng kanilang motivation sa pamamagitan ng mga pagbatikos kay Prof. Balashov tungkol sa kanyang aktibidad bilang pinuno ng unyon.
Mangyaring tulungan ang pakikibaka ng UNISOL para sa mga karapatan ng unyon at demokrasya, at ipadala ang sumusunod na mensahe kay Mr. Nikolay Kudryavstev, rektor ng MIPT.