Sarado na ang kampanyang ito.
Algeria: Bagong pag-atake ng pamahalaan sa malayang unyon ng enerhiya
In partnership with IndustriALL, the International Union of Foodworkers, Public Services International and the International Trade Union Confederation. |
Ang pamahalaan ng Algeria ay pinalalakas ang laban nito sa independyenteng unyon ng mga manggagawa sa kuryente at gas na SNATEGS, na nag-oorganisa ng mga manggagawa sa SONELGAZ na kumpanya ng enerhiya ng estado. Daan-daang mga miyembro ng unyon, mga delegado at mga opisyal ang pinawalang-saysay o na-dismis, hinaras at inuusig sa mga huwad na legal na singil dahil sa paggamit ng kanilang mga pangunahing mga karapatan.
Sa Mayo sa taong ito, inalis ng gobyerno ang legal na status ng SNATE at sinentensiyahan ang pangulo ng unyon na si Raouf Mellal ng anim na buwan sa bilangguan dahil sa paglalantad ng katiwalian at napakalaking panloloko na isinagawa ng SONELGAZ sa higit isang dekadang pagsingil ng sobra sa milyong Algerians ng kanilang utility bills.
Ngayon ay sinusubukan ng pamahalaan na alisin ang unyon sa kabuuan. Noong Disyembre 3, inihayag ng Ministry of Labor na ang SNATEGS ay nagdaos ng pulong upang i-disolb ang sarili nito! Wala nang awtorisadong pulong ang nangyari, at ayon sa mga batas ng unyon tanging isang pambansang kongreso lang ang maaaring gumawa ng desisyon na ito.
Ang SNATEGS ay nabubuhay at nakikipaglaban, at nangangailangan ng iyong suporta. Magpadala ng isang mensahe sa mga awtoridad ng Algeria na nagsasabi sa kanila na itigil ang pakikipaglaban sa SNATEGS, igalang ang mga karapatan ng unyon at legal na status nito, i-drop ang lahat ng mga charges laban kay Raouf Mellal at mga miyembro ng unyon at mga kinatawan na nahaharap sa pag-uusig bilang pagganti para sa kanilang pangako sa unyon, at ibalik ang lahat ng mga na-dismis dahil sa pagsasakatuparan ng mga aktibidad ng unyon at pagpapatupad ng kanilang mga karapatan.